Friday, March 13, 2009 at 1:14 AM |  
One day, after ng interview ko sa Philippine Science High School na mukhang sure thing na, ay may nagtext sa akin from Star Cinema. Tinanong ako kung interesado ba raw akong sumali sa creative team nila. At, bawindang akiz! Oo naman, pero pinagpapasa ako ng sample story line. Ay, windang ang lolo! Hindi ko alam itei. Kwento't tula lang ang alam kong sulatin. At essay. Pero story line? Anech itei? Pero mega keri lang, send ko lang 'to, just in case. ^_^

Ang kwentong itei ay matagal na sa aking isip. Sa paraang ganito ko nalang inilabas. My friend Joni told me it's actually an easy Indie piece. Pero I dunno. Basta maisilang na itong kwentong matagal nang nabuo sa aking isip. At nailabas sa ganitong porma. Ang pamagat nito ay "DOKYU".

Si Marvin, 19, mass communications student, ay sumama sa field trip ng kanilang sociology class sa Camp Sampaguita. Nagkaroon ng programa ang mga inmate at sa isang bahagi nito kung saan kumanta ang chorale ay may lalaking tumugtog ng gitara—isang lalaking maputi, makinis ang balat, may boyish charm pero hindi katangkaran. Ito’y si June, 19 din. Noong nakita ni Marvin si June, may kung anong excitement itong naramdaman ngunit itinago lamang niya ito.

Hindi bakla si Marvin. Pero hindi pa ito nagkakanobya. Dahil sa sobrang subsob nito sa pag-aaral ay hindi pa nito naranasan ang totoong mainlove sa isang tao. Naalala niyang may crushes naman ito noong high school siya ngunit hindi talaga niya hinarap ang mga ito dahil sa pressure ng kanyang mga magulang para maging ace student, mag-top, mag-first honor. Sa kanya pang pagmumuni-muni at pag-alala sa mga high school crush niya ay naalala niya ang kanyang pinakamasasayang araw noon kung saan magkasama silang dalawa ng kanyang best friend na si Jake sa ilalim ng punong mangga habang nag-gigitara at nagkakantahan.

Umuwing gulong-gulo ang isip si Marvin. Hindi nito makalimutan ang inmate na iyon na bukod sa galing mag-gitara’y napakaamo pa ng mukha. Ngunit higit sa lahat, dahil nakikita niya ang kanyang best friend sa katauhan niya. Ang best friend niyang mula ng magkaroon ng girlfriend ay hindi na sila naging kagaya pa uli ng dati. Muli, atat siyang bumalik sa Camp Sampaguita, yun nga lang, wala siyang maisip na idadahilan. Natapos ang semester na sobra siyang balisa.

Sembreak, at nagkita-kita uli ang landas nina Marvin at Jake. Si Jake ay kasing kulit, kasing kengkoy at kasing loko parin ng dati, at panay akbay pa nga ito sa kanyang best friend gaya ng dati ngunit uneasy na si Marvin sa mga ganito. Maaga siyang umalis sa party na iyon. Mas lalo itong naguluhan sa kanyang sarili. Bakit hindi na ako gaya ng dati? Bakit iba na? Bakit paranf hindi na tama?

Dumating ang bagong sem. Naatasan silang gumawa ng dokyu sa isang subject. Naisip agad niya ang gumawa ng project tungkol sa mga kabataan sa loob ng Camp Sampaguita na hindi na ininda ang kung anumang panganib. May pagdududa man ang mga kagrupo’y siya naman ang lider. Siya ang tipong pasarap lahat ng kagrupo habang siya na ang bahala sa lahat. Dahil dito, nagkaroon siya ng pagkakataong makapanayam si June. Sa loob ng tatlong buwan, lahat na yata ng bagay ay naitanong na ni Marvin kay June kahit ang karamihan dito’y wala nang kinalaman sa documentary. Minsan nga sa kanilang pag-uusap ay nasambit ni Marvin, “Malamang theft o drugs ang kaso mo.Imposibleng rape. Imposible talaga,” sabay iling at ngiti. Walang imik si June habang nakatitig ito kay Marvin na hindi maupos ang ngiti sa labi.

Naging malapit sa isa’t isa ang dalawa. Bumaba narin ng bumaba ang mga marka ni Marvin kahit pa ito’y consistent dean’s lister at napakatalinong estudyante dahil sa madalas na pagliban nito sa klase. Ang dahilan: immersion daw sa locale ng documentary.

Noong birthday ni June ay nagkaroon ng kaunting inuman sa selda nila. Pumunta roon si Marvin ng may dalang T-shirt na nakabalot pa ng gift wrapper na blue, paboritong kulay ni June. Sabi ni June, matagal na raw itong hindi nakakatanggap ng regalo kahit noon pang nasa loob ito ng piitan. Pagkaraan ng isang oras, dahil sa hilo’t pagkalasing, hindi na sigurado ni Marvin ang kanyang ginagawa. Hindi naman kasi talaga ito umiinom. Dahil nakahalata si June sa mga ikinikilos ni Marvin mula pa noong sila ay nagkakilala, at dahil narin sa lakas ng loob na naidudulot ng alak, ipinuwesto niya si Marvin sa kanyang kama sa posisyong hindi ito makakapalag. Ni-rape nito si Marvin. Humulagpos ito gamit ang kanyang buong lakas ngunit wala itong nagawa. Nang bumalik ang mga kaselda’t guardia, nakita na lamang nilang sinasakyan na ni June si Marvin, na duguan na ang may bandang likuran nito, na kitang-kita sa puting uniporme ng estudyante. Si Marvin ay halos wala ng malay sa mga sandaling iyon.

Dinala ng ambulansiya ang bata papalabas sa Camp Sampaguita at si June naman ay sa maximum security. Huli na noong malaman nitong attempted rape pala ang kaso nitong si June, ayon sa mga balita sa TV, sa kanyang nakababatang stepbrother noong siya’y kadedese-ocho pa lamang at ang kapatid at walong taong gulang.
Posted by Bagong Adan Labels: , ,

2 comments:

wanderingcommuter said...

...speechless.

husay ang galeng. ngayon bigla akong napag isip sa ganitong mga topic.

goodluck!

March 13, 2009 6:40 PM  
charmedwishes said...

medyo nakakalungkot naman yung kwento na ito. akala ko magiging happy ending. anyway, more power to your blog!

June 28, 2009 6:41 AM  
Visit the Site
MARVEL and SPIDER-MAN: TM & 2007 Marvel Characters, Inc. Motion Picture © 2007 Columbia Pictures Industries, Inc. All Rights Reserved. 2007 Sony Pictures Digital Inc. All rights reserved. blogger template by blog forum